Nominasyon ni Atty. Bulay bilang commissioner ng Comelec, pirmado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ni Atty. Rey Bulay bilang Commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magtatagal ang termino ni Atty. Bulay hanggang ika-2 ng Pebrero, 2027.

Tiwala naman ang Palasyo na titiyakin ni Atty. Bulay na magiging tapat, maayos, credible, at mapayapa ang idaraos na eleksyon sa 2022.


Nagpaabot din ng good luck wish ang kalihim sa bagong assignment na ito ni Atty. Bulay.

Si Bulay ay dating commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCCG) at Chief Prosecutor sa Manila.

Facebook Comments