Tinutulan ng 220 grupo at halos 20,000 na indibidwal ang nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission.
Si Roque ang nagsisilbing advisory body ng United Nations.
Sa online petition ng iDefend na may lagda ng daan-daang grupo, nakasaad na isang dating human rights lawyer si Roque na una nang isinulong ang membership ng Pilipinas sa International Criminal Court.
Pero mula nang maging tagapagsalita ng palasyo, madalas na nitong ipinagtatanggol ang mga kontrobersyal na polisiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na ang war on drugs.
Samantala, punto naman ni Roque na hindi naman siya sasahuran sa kaniyang pagpasok sa komisyon at ilang linggo lang sa isang taon ang kanilang pagpupulong.
Matatandaang kabilang sa mga isinusulong ni Roque para makuha ang posisyon sa 34-member commission ay ang treaties para sa vaccine equality at pagkilala sa land territories.