Inihayag ng Department of Health (DOH) na karaniwang tumataas ang kaso ng non-communicable diseases tuwing holiday season.
Partikular dito ang diabetes, sakit sa puso, hypertension at stroke.
Dahil dito, pinayuhan ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang publiko na maghinay-hinay sa pagkain, pag-inom, pagpapagod at stress, bilang pag-iingat sa iba’t ibang sakit ngayong Kapaskuhan.
Bukod dito, hinimok din ni Vergeire ang lahat na mas magandang gawin sa outdoor spaces o labas ng bahay ang mga salu-salo.
Mas maganda rin aniya kung mag-i-isolate, magpapasuri at magpabakuna upang maisawan ang malalang epekto ng COVID-19.
Facebook Comments