Tumatanggap din ng non COVID cases ang One Hospital Command Center (OHCC).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Marylaine Padlan, medical officer ng OHCC na kung ikukumpara noong COVID-19 surge ay mas mababa na ito sa ngayon.
Aniya, ngayong buwan ng Oktubre ay naglalaro sa 10% hanggang 30% calls per day na lamang ang kanilang natatanggap.
Karamihan sa emergency na kanilang natatanggap ay yung mga manganganak, patients na kailangan i-assess sa ER level, blood requiring patients, hypertensive, patients na may hypertensive emergencies at iba pa.
Ayon pa kay Dr. Padlan, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil hindi nila binibitiwan ang natatanggap na tawag ng pasyente hangga’t hindi naire-refer sa ospital.
Facebook Comments