Non-COVID wards sa Philippine General Hospital, posibleng isara muna

Posibleng isara muna ang non-COVID wards sa Philippine General Hospital (PGH).

Ito ay kung sakaling patuloy pang tumaas ang bilang ng mga COVID-19 patient na dinadala sa kanilang ospital.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nasa 225 lamang ang kanilang dedicated beds para sa COVID-19 patients pero 169 na rito ang kasalukuyang okupado na.


Paliwanag ni Del Rosario, kahit pwede pa itong taasan ng kapasidad ay kukulangin na sila ng mga doktor at nurses lalo na’t ang iba sa kanila ay tinatamaan din ng COVID-19.

Facebook Comments