Non-discriminatory vaccine certificate, panawagan ni Pangulong Duterte sa Asia-Europe Meeting Summit

Dapat magkaroon ng vaccination cards na kikilalanin ng lahat ng bansa sa mundo.

Ito ang naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit.

Pagdiin ni Duterte, kailangan magbalangkas ng vaccination certificate na “scientific”, “non-discriminatory”, at WHO-compliant to facilitate safe cross-border travel.”


Aniya, hindi dapat gawing basehan ang brand ng bakuna para makapasok sa isang bansa dahil hindi pa rin pantay ang access sa lahat ng brand ng COVID vaccine.

Paliwanag ng pangulo, hindi dapat dini-discriminate ng malalaking bansa na unang nakakuha ng mas magandang uri ng COVID-19 vaccines ang mga bansang naghintay pa ng bakuna.

Giit ni Duterte, lahat ng aprubadong bakuna ay mabuting panglaban sa COVID-19.

Facebook Comments