Non-essential entry at exit ng mga indibidwal mula ECQ to GCQ areas and vice-versa, mahigpit na ipagbabawal

Mahigpit na ipagbabawal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagtawid ng mga non-essential individuals mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) areas patungo sa General Community Quarantine (GCQ) areas at vice-versa simula bukas, May 1.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque magiging mahigpit ang mga otoridad sa checkpoint lalo na sa mga boundary upang masiguro na walang makakalabas masok na non-essential individuals.

Sa inilabas na omnibus guidelines on interzonal movement ng IATF kabilang sa mga essential individuals o mga papayagang makatawid mula sa ECQ to GCQ areas and vice versa ang mga sumusunod.


Maliban dito hindi rin haharangin ang movement ng lahat ng cargoes mapa land, air o sea pero magiging limitado lamang sa 5 ang sakay ng cargo o delivery truck at dapat parin silang sumailalim sa mandatory 14day quarantine period.

Habang ang mga pinauwing OFWs naman na na-isyuhan ng ng sertipikasyon na nakatapos na sa 14day quarantine period ay dapat makauwi sa kani-kanilang mga tahanan at inaatasan din ang mga LGUs na payagang makadaong o makapag landing sa kanilang areas of responsibility ang mga barko o eroplano na lulan ang mga ofws papunta sa kani-kanilang mga destinasyon.

Facebook Comments