Non-essential travel palabas ng bansa, muling sinuspinde ng IATF

Sinuspende ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang non-essential travel abroad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil iisang insurance company lamang ang pumayag na mag-provide ng travel and health insurance ng ating mga kababayan.

Sinabi naman ni Roque na hindi kasali sa travel ban ang mga may kumpirmadong flight hanggang Hulyo 20, 2020 basta’t nakasunod sa mga kondisyon ng gobyerno.


Kabilang na ang pagkakaroon ng travel at health insurance na makakasakop sa re-booking at accommodation expenses nito kung makakansela o maoospital.

Ang ‘country of destination’ naman ay kailangang may no entry ban sa mga Filipino at ang traveler ay kailangang kumuha ng deklarasyon na nagsasaad na batid nito ang panganib ng kaniyang pagbiyahe.

Facebook Comments