Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na ipatigil muna ang mga non-essential projects nito sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Greater Manila area.
Pahayag ito ni Robredo matapos na ipagpatuloy ng gobyerno noong nakaraang linggo ang paglalatag ng dolomite sand sa dalampasigan ng Manila Bay na bahagi ng ₱389 million rehabilitation project nito.
Ayon sa bise presidente, dapat na gamitin nang tama ng pamahalaan ang pondo lalo’t limitado lamang ito.
Aniya, mas dapat pagkagastusan ngayon ng gobyerno ang pagtugon sa pandemya kung saan buhay ng tao ang nakasalalay at hindi ang mga non-essential projects na makakapaghintay naman.
Facebook Comments