Muling pinaalalahanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kapulisan na sumunod sa kanilang operational procedure at rules of engagement.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, hangga’t maaari ay dapat non-lethal approach ang ipatupad sa kampanya kontra iligal na droga.
Maliban na lamang aniya kung nalalagay na sa alanganin ang buhay ng isang pulis at kailangan nyang depensahan ang kanyang sarili.
Ang pahayag ni Fajardo ay bunsod nang pagkaka relieved sa pwesto ng 8 Davao city police dahil sa umano’y madugong drug operations.
Matatandaang 7 drug suspects ang napatay sa anti-drug operations sa Davao City sa loob lamang ng 4 na araw matapos magdeklara ng war on drugs si Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ang mga ito ay iimbestigahan ng PNP Internal Affairs Service upang matukoy kung sila ba ay nagmalabis sa ikinasang drug operations.