Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na tanging ang nursing graduates lamang na nakakuha ng 70% hanggang 74% rating sa board exam ang papayagang makapagtrabaho sa mga ospital ng gobyerno, kahit hindi ito board passer.
Ito ay kaugnay sa plano ng kalihim na kumuha ng mga hindi lisensyadong nagtapos sa nursing para makapagtrabaho sa public hospitals.
Ayon kay Herbosa, bibigyan ng deadline o itinakdang panahon ang mga ito para maipasa nila ang nursing board exam.
Kung nakapasa aniya sila sa board exam, ay kailangang pumirma ang mga lisensyadong nurse sa apat na taong service agreement at magbigay ng serbisyo sa gobyerno bago sila payagang makapunta sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Herbosa, sumang-ayon na sa plano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma at nangakong makikipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) para magbigay ng pansamantalang lisensya sa mga kwalipikadong nursing graduates.
Makakatanggap ang mga kwalipikadong nurse ng panimulang suweldo na P35,000 hanggang P40,000, kada buwan.