Non-PhilHealth members, maaaring sumailalim sa COVID-19 testing

Mariing itinanggi ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na hindi tinatanggap ng COVID-19 testing centers ang specimen ng mga indibiduwal na hindi miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth).

Sa statement, iginiit ng RITM na ang lahat ng COVID-19 activities mula sa pagtanggap ng specimen hanggang sa paglalabas ng resulta ay ginagawa alinsunod sa direktiba ng inter-agency.

Ayon pa sa RITM, ang mga sample sa kanilang catchmen zone ay tinatanggap para sa testing anuman ang PhilHealth membership status ng isang pasyente.


Ang Disease Reporting Units ang pangunahing responsible sa pangongolekta at pagpapadala ng specimens.

Hinimok ng RITM ang mga non-PhilHealth members na mag-fill out ng PhilHealth Registration Membership Form (PRMF) at magsumite ng government-issued ID.

Tutulungan din ng RITM ang mga pasyente na makapag-enroll sa PhilHealth.

Facebook Comments