“Non-severe” COVID-19 patients, isasailalim sa Ivermectin clinical trial

Isasailalim sa clinical trial sa paggamit ng antiparasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19 ang mga pasyenteng mayroong ‘non-severe’ case.

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, ang research team mula sa University of the Philippines (UP) Manila – Philippine General Hospital (PGH) na pinamumunuan ni Dr. Aileen Wang, ay bumubuo na ng research protocol, kabilang ang timeline ng clinical trial at target participants.

Ang protocol ay kailangang isumite sa DOST at sa Food and Drug Administration (FDA) para sa approval.


Sinabi ni Montoya, na karamihan sa mga COVID-19 cases sa Pilipinas ay mild at moderate cases.

Target na isagawa ang Ivermectin clinical trial sa katapusan ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.

Facebook Comments