Nonito Donaire, Stephen Young kapwa pasok sa weigh-in para sa World Boxing Super Series

Kapwa pasok na sa weigh-in sina Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire at Stephen Young para sa World Boxing Super Series Semi-Final.

Tumimbang si Donaire ng 117.6 pounds habang si Young ay mayroong ng 117.3 pounds.

Magugunitang pinalitan ni Young si African champ Zolani Tete matapos itong magtamo ng injury sa likod habang nagsasanay sa kaniyang laban.


Maghaharap sina Donaire at Young fight sa Comain Event bukas sa Cajundome Lafayette, Louisiana, USA.

Facebook Comments