NONSENSE? | Panawagan ni Atty. Gadon na mag-resign si Cong. Lagman sa kamara, minaliit ng mga taga independent minority

Manila, Philippines – Minaliit ng mga taga Independent Minority ang panawagan ni Atty. Larry Gadon na mag-resign na bilang myembro ng Kamara de Representantes si Albay Rep. Edcel Lagman.

Ito ay kasunod na rin ng alegasyon ni Gadon kay Lagman na nag-a-abogado para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment case nito.

Iginiit dito ni Gadon na nilalabag ni Lagman ang kanyang tungkulin bilang isang kongresista.


Para sa mga kakampi ni Lagman na sina Cebu Rep. Raul del Mar at Caloocan Rep. Edgar Erice, balewala ang mga pinagsasabi ni Gadon.

Sinabi ni del Mar na nonsense ang mga pinagsasabi ni Gadon kaya dapat hindi naito pinapatulan pa.

Dagdag naman ni Erice, ito ay `stupid` na mga pahayag at hindi dapat pag-aksayahan ng panahon.

Facebook Comments