NOPPO, nanindigang legal ang kanilang operasyon na ikinasawi ng 14 na pinaghihinalaang hitmen at supporters ng NPA

Nanindigan ang Negros Oriental Provincial Police Office na legal ang isinagawa nilang operasyon na ikinamatay ng 14 na indibidwal sa nasabing probinsya.

 

Ayon kay Negros Oriental PPO Director Col. Raul Tacaca, hindi basta pumasok ang otoridad sa bahay ng mga nasawi.

 

Tinutukoy ni Tacaca ang pagsisilbi ng search warrants kaugnay ng umano’y loose firearms ng mga ito.


 

Hindi rin kinumpirma ng opisyal na mga magsasaka ang namatay sa operasyon pero pinaghihinalaan aniya ang mga ito na mga hitman at supporters ng New People’s Army.

 

Aniya, sangkot din ang mga ito sa nabigong assassination plot laban sa mga pulis at sundalo sa lalawigan.

Facebook Comments