Nora Aunor, hindi na umaasang masusungkit ang National Artist for Film and Broadcast

Aminado si Superstar Nora Aunor na hindi na siya umaasang makuha ang titulong National Artist for Film and Broadcast.

Gayunman, nagpapasalamat siya sa kanyang mga tagahanga na patuloy na nagtutulak sa kanyang nominasyon.

Aniya, Diyos na raw ang magpapatunay kung talagang karapat-dapat siya sa nasabing parangal.


Matatandaang ilang beses nang na-nominate si Nora bilang National Artist dahil sa husay nitong ipinakita sa mga pelikulang Minsa’y may isang gamu-gamo, Ina ka ng anak mo, Bona, at ang classic movie na Himala.

Pero hindi ito inaprubahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa umano’y drug addiction.

Facebook Comments