NORMAL | Bulkang Mayon, muling nagbuga ng abo

Albay – Muling nagbuga ng may 500 metro taas ng abo ang bulkang Mayon Linggo ng tanghali.

Pero ayon kay PHILVOLCS Chief Volcanologist Ed Laguerta, walang dapat ikabahala dahil normal itong nangyayari pagpapunta na sa tahimik na kondisyon ang isang bulkan.

Aniya, sumabay ang phreatic explosion sa kasagsagan ng pag-ulan.


Nananatili naman na nasa alert level 2 ang bulkang Mayon at mahigpit pa ring pinagbabawalan na pumasok sa 6 kilometers radius permanent danger zone.

Facebook Comments