Normal full operation ng PNR, balik na ngayong araw

Balik na sa normal full operation ang biyahe ng tren ngayong araw at ligtas na rin masakyan ng mga pasahero.

Matatandaan kagabi, ganap nang naibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng Philippine National Railways (PNR) na nasa pagitan ng Dela Rosa at EDSA Stations.

Ayon kay PNR General Manager Jeremy Regino, matagumpay na naibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive sa tulong ng isang crane na siyang ginamit para mabuhat ito.


Matapos na maibalik sa riles ang nasabing tren, isasailalim muna ito sa masusing pagsusuri ng mga eksperto bago tuluyang hilahin ng isa pang locomotive pabalik sa Tutuban station.

Dagdag pa ni GM Regino isa pa rin sa, pangunahin nilang misyon ay tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa ngayon ligtas nang daanan ang riles, mula Governor Pascual sa Malabon patungong Tutuban sa Maynila, at mula Tutuban patungong Alabang gayundin sa Calamba sa Laguna.

Facebook Comments