Manila, Philippines – Itinanggi ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Roger Mercado na may iringan ang Kamara at Senado.
Ang reaksyon na ito ay matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na makakapal ang mukha ng mga kongresista kaugnay sa pag-convene bilang Constituent Assembly at sa paraan ng botohan na gagawin sa Federalism kung joint o separate vote ba ang gagawin.
Paliwanag ni Mercado, normal lamang na magkaroon ng iba’t-ibang opinyon dahil hindi naman basta-basta ang kanilang gagawin.
Ipinapakita lamang aniya ng diverse opinions ng mga Senador, mga kongresista, legal sectors at iba pa na umiiral ang healthy democracy sa bansa.
Nakahanda naman aniya ang Kamara na makipag-kompromiso pero hindi pa masabi ni Mercado kung sa papaanong paraan dahil ang mga leaders lamang ng Kapulungan ang makapagbibigay ng specifics sa pag-amyenda ng saligang batas.