NORMAL LANG | Pagbigay ng rosaryo, walang masama

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na walang masama sa controversial na pagbibigay ng rosaryo ni Pope Francis kay Senator Leila De Lima.

Ayon kay bagong CBCP president Romulo Valles, obligasyon ng simbahan na gabayan ang lahat ng mga miyembro na naliligaw ng landas at hindi tinitingnan ng simbahan kung makasalanan ang isang kasapi ng Simbahang Katolika.

Sumulat umano sa Santo Papa si De Lima na humingi ng panalangin, kaya bilang tugon ng pinuno ng Simbahang Katolika ay pinadalhan ito ng rosaryo para ihingi kay mahal na birheng Maria ang lahat ng kanyang kahilingan sa panginoong Hesukristo.


Paliwanag ni Valles, lahat umano ng tao na sumusulat sa Santo Papa ay tinutugunan ng pinuno ng Simbahang Katolika at binibigyan ng rosaryo bilang isang simbolo ng mataimtim na panalangin ng isang Katoliko sa Birheng Maria.

Facebook Comments