NORMAL LANG | Umano ay namamataan na pagkilos ng mga helicopter at tanke, normal lang – ayon sa AFP

Manila, Philippines – Normal lang ang mga namamataang pagkilos ng mga tangke ng Armed Forces of the Philippines at tropa nito kung meron man lalo na sa bisinidad ng mga kampo ng militar.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, sa harap ng mga lumalabas sa social media na umano ay may mga “tank sightings” partikular sa may bahagi EDSA.

Paliwanag ni Arevalo walang malakihang pagkilos ng mga pwersa ng militar sa ngayon.


Kung meron man aniyang pagkilos ng mga tropa, ito ay bahagi ng routine movements na “properly coordinated”.

Kasabay nito, Nanawagan si Arevalo sa publiko na maging mahinahon at huwag maalarma sa mga kumakalat sa social media na larawan umano ng mga tanke sa kalsada.

Madali lang aniyang magpakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng mga litrato, na maaring nakuha sa ibang pagkakataon.

Facebook Comments