Manila, Philippines – Para kay Senate President Koko Pimentel, hindi na dapat bigyan ng kahulugan ang paghahain ng wellness leave ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sabi ni Pimentel, mayroon talagang wellness leave ang mga mahistrado ng Katas-Taasang Hukuman.
Sabi naman ni Senador Panfilo Lacson, hindi na ito dapat gawing isyu.
Paliwanag ni Lacson na regular normal lang naman para sa Chief Justice at iba pang mahistrado ang mag-wellness leave kung kinakailangan.
Naniniwala si Lacson na makabubuti din para kay Sereno ang makahinga sa trabaho para mapaghandaan nito ang depensa sakaling maiakyat na sa Senado ang kinakaharap niyang impeachment complaint.
Facebook Comments