Normal na operasyon ng LRT-2 East Extension, asahan sa susunod na dalawang linggo

Inaasahang magno-normal ang operasyon pagkatapos ng dalawang linggo ang dalawang bagong istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2.

Ang Marikina at Antipolo Stations ay bahagi ng LRT-2 East Extension Project na binuksan na sa mga pasahero noong Lunes, July 5.

Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, kailangan nila ng dalawang linggo para makumpleto ang full intergration ng buong linya kasama ang extension area.


Kapag natapos ang integration works, ay maaari na silang makapag-deploy ng dagdag na tren.

Aminado si Cabrera na humahaba ang pila sa mga istasyon lalo na tuwing peak hours, aniya naantala ang pagkakabit ng spare parts na kailangan sa signaling system.

Sa ngayon, ang mga pasaherong magmumula sa Antipolo at Marikina Stations ay kailangang bumaba sa Santolan Station para lumipat sa kabilang tren na tutungo ng Recto Station at vice versa.

Facebook Comments