Inaasahan na balik na sa full operations ngayong araw ang Manila Central Post Office, makaraang masunog ang kanilang tanggapan.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PhilPost Postmaster General Luis Carlos na tinututukan na nila ang agarang pagbabalik ng vital public service na kanilang responsibilidad sa publiko.
Sa ngayon, kalahati aniya ng kanilang operasyon ay naibalik na.
Nakalipat na aniya ang lahat ng kanilang letter courier sa foreign service distribution center sa Delpan, habang ang corporate side naman nila ay nakalipat na rin sa kanilang Central Mail Exchange sa Airport Road.
Ayon pa sa opisyal, nakikipag-ugnayan na sila sa Central Mail Exchange Office para sa inventory ng mga sulat, parcel, at national ID, na kasamang natupok sa sunog sa kanilang tanggapan.