Nilinaw ngayon ng Inter Agency Task Force ng Buldon na pinangungunahan ni Mayor Abolais Manalao na tanging limang kababayan na lamang nila ang itinuturing na Person Under Monitoring o PUM kaugnay sa usapin pa rin ng Corona Virus Disease 19.
Sinasabing ilang araw na lamang din ay makukompleto na ng mga ito ang kanilang 14 day home quarantine. Nasa maayos na ring mga kalagayan ang mga PUM dagdag ng alkalde. Karamihan sa mga ito ay may travel history noon mula Davao City.
Ito ang napag-alaman mula kay Mayor Manalao matapos isinagawa ang IATF meeting kahapon.
Matatandaang noong nagdaang buwan ay umabot sa 186 ang PUM sa Buldon. Wala namang naging PUI sa Buldon.
Kaugnay nito, bagaman maituturing na ligtas na ang mga residente laban sa pinangangambahang karamdaman, napagdesisyunan pa rin ng IATF Buldon na sumunod pa rin sa mga ibinababang guidelines ng National Government kabilang na rito ang pagkakaroon na Isolation Area . Napili ng IATF ang isang bahagi ng Brgy. Minabay bilang venue ng Isolation Area.
Pinasasalamatan naman ni Mayor Manalao ang lahat ng kanyang mga nakasama sa TaskForce kabilang na si Dr. Elly Eluna , Municipal Helath Officer ng Buldon, maging ang mga elemento ng PNP, Marines , mga kawani ng LGU at ang lahat ng mga residente na patuloy na nakikiisa sa kanilang kampanya.
Higit ring pinasalamatan ni Mayor Manalao ang Kooperasyon ng kanyang mga kababayan para makontra ang COVID 19.
Samantala , patuloy namang nakaalerto sa bawat entry at exit points na bayan ang mga frontliners ng Buldon.
Umaasa naman si Mayor Manalao na muli ng manunumbalik sa normal ang sitwasyon hindi lamang sa kanyang bayan, maging sa buong lalawigan, rehiyon at ng buong bansa.
File Pic