NORMAL NA PROSESO | Retired Major General Jovito Palparan, hindi mabibigyan ng special treatment sa loob ng New Bilibid Prison

Manila, Philippines – Hindi mabibigyan ng special treatment sa loob ng New Bilibid Prison si Retired Major General Jovito Palparan.

Ito ang tiniyak ni Bureau of Correction Chief Ronald dela Rosa sa isang panayam dito sa Camp Crame.

Sinabi ni dela Rosa malabo nang maganap sa NBP ang pagbibigay ng special treament sa mga kilalang indibidwal na nakakulong ngayon sa NBP.


Sa katunayan aniya dadaan sa normal na proseso ang dating general, una itong ipapasok sa reception Diagnostic center ng NBO sa loob ng 60 araw.

Sinabi pa ni dela Rosa na pagkatapos ng 60 araw na pananatili nito sa reception Diagnostic Center ay ililipat na ito sa maximum security compound kung saan ikinukulong ang mga nahatulan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo.

Kaninang umaga ay hinatulang guilty ng Malolos Regional Trial Court si Palparan, LtCol Felipe Anotado Jr at Staff Seargent Edgardo Osorio dahil sa kasong kidnaping at serious illegal detention dahil pagdukot sa mga UP Students noong taong 2006.

Facebook Comments