NORMAL PA | Tubig sa mga Dam sa Luzon nasa Normal Level

Sa monitoring ng PAG-ASA kung hindi magbabago ng direksyon ang Bagyong Ompong hindi ito direktang makakaapekto sa malaking bahagi gayunpaman ay mas paiigtingin parin nito ang pag-ulan.

Ang inaasahang malaking volume ng ulan na ito ang binabantayan ngayon ng mga tagapangasiwa ng iba’t ibang dams sa Luzon na maaaring magpataas ng lebel ng mga tubig dito.

Kaya naman ngayon pa lamang ay puspusan din ang paghahanda ng mga nasabing tagapangasiwa ng dams. Sa latest reservoir elevation update mula sa National Power Corporation of the Philippines nitong umaga ang Ambuklao Dam ay nasa 751.55 meters at bukas ang gate 5 nito na nagpapakawala ng 0.5 meters na may total outflow na 86.09 cms.


Samantalang ang iba pang dams tulad ng Binga Dam na may 573.81meters lebel ng tubig na may spilling level na 575 meters at San Roque Dam na nasa 274.76 meters na may spilling level naman na 280.00 meters.

Siniguro naman NAPOCOR na gumagawa sila ng mga precautionary measures upang siguruhing hindi biglaan ang pagpapakawala ng tubig sakaling maabot ng mga dams ang kanilang spilling level lalo na’t may pinaghahandaang bagyo.
[image: 2000px-National_Power_Corporation_(NAPOCOR).svg.png]

Facebook Comments