Quezon City – Mananatiling normal ang schedule ng garbage collection services sa lungsod Quezon, ngayong Christmas week hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Frederika Rentoy, pinuno ng Quezon City Environmental Protection and Waste Management Department, ang mga street sweepers at haulers ay walang bakasyon kaya’t idi-deploy sila mula December 25 hanggang January 2.
Layunin nito na mabilis na mahakot ang inaasahang volume ng basura ngayong Kapaskuhan, at upang mapanatili ang kalinisan sa lahat ng lugar ngayong yuletide season.
Facebook Comments