North Atlantic Treaty Organization (NATO) – hindi nakaligtas sa pambabatikos ni US President Donald Trump

World – Binatikos ni US President Donald Trump ang mga Nato Members sa pagdalo nito sa Nato Summit sa Brussels Belgium.
Sa kaniyang talumpati direktang pinatamaan ni Trump ang mga Nato Members dahil sa hindi pagtupad ng kanilang financial commitments sa mutual defense pledge sa US.
Ayon sa US President – dapat magbayad ang mga nato members ng kanilang financial obligations kung saan dalawamput dalawa sa 28 miyembro ang hindi pa nakakapagbayad.
Isinaad nito ang nakasaad sa Nato Treaty na ang mga members of the alliance na magbayad ng 2% mula sa pondo ng isang bansa.
Hinikayat din niya ang mga miyembro na imbes na ituon ang pansin sa problema sa refugees ay dapat bigyan ng pansin ang terorismo at immigration.
DZXL558

Facebook Comments