North cemetery, mas hinigpitan ang seguridad; 400 pulis, ipinakalat

Manila, Philippines – Mas hinigpitan na ng North cemetery ang kanilang seguridad ngayong Undas.

Nasa 400 pulis ang ipinakalat sa 54 hectares na nasabing sementeryo, pinakamalaki sa Metro Manila para magbantay.

Mayroon ding mga tauhang itinalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ilang volunteer organization.


Ayon kay Daniel Tan, director ng Manila North Cemetery, alas-5 kahapon ng hapon, nasa 20,000 na ang bilang ng mga dumalaw sa sementeryo.

Ipinagbawal na ang ilang kagamitan sa sementeryo gaya ng mga panlinis ng puntod at patalim.

Ipinagbawal na rin ang pagpasok ng motorsiklo sa loob ng sementeryo.

Handog rin ng Manila City Hall para sa mga bisita ang libreng sakay ng mga electronic tricycles o E-trike.

Facebook Comments