KIDAPAWAN CITY – Dumipensa si NorthCotabato Governor Emmylou”Lala” Taliño-Mendoza sa isyung may food blockade na inilagay sa Kidapawan City.Ito ay para pigilang makapasok ang mga pagkaing ipinadadala sa mga magsasakang nananatili pa sa Spottswood Methodist Center.Sa interview kay Mendoza, sinabi niya na nasa 700 sako na ng bigas at mga pagkain ang nakarating sa mga magsasaka.Nagpasalamat din siya sa mga bigas na dinala sa Kidapawan City mula sa iba’t ibang artista.Samantala, Isinailalim na sa ballistic exam ng binuong fact finding team ng Philippine National Police (PNP) ang bala ng baril na tumama sa nasawing residente sa lugar na si Enrico Fabrica.Kinwestyon naman niPNP-CIDG Chief Gen. Benjamin Magalongkung bakit kahapon lang naisalalim sa paraffin test ang baril ng mga pulis pero matagal na itong na-proseso ng crime lab.Samantala, pinayagan nang pumasok sa Spottswood Methodist Center ang dagdag na mga raliyistang dumating sa lugar.
North Cotabato Governor Emmylou Mendoza, Itinangging Hinaharang Nila Ang Mga Pagkain Na Donasyon Sa Mga Magsasaka Sa Kid
Facebook Comments