MANILA – Kakasuhan ng grupo ng mga abugado siNorth Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza, Supt. Alex Tagum at ilang pulis dahil sa madugong dispersal sa mga magsasakang nag-protesta noong nakaraang linggo.Sa interview ng RMN kay National Union of People’s Lawyer (NUPL) Sec. Gen. Atty. Edre Olalia, sinabi niya na nangalap na sila ng mga testimonya para sa mga kasong isasampa.Tiniyak din ni Olalia na tutulungan din nila ang mga magsasakang nakakulong ngayon matapos harangin ang highway sa Kidapawan City.Samantala, kinumpirma ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon na may initial na report na silang natanggap mula sa binuong fact finding team.Iginiit naman ni Gascon na hindi dapat nagdadala ang mga otoridad ng armas sa mga isasagawang crowd dispersal.Matatandaang tatlo ang namatay sa panig ng mga magsasaka habang marami pa ang sugatan sa madugong pagtaboy sa mga nag-protesta nang hindi naibigay ng gobyerno ang kanilang subsidiya sa bigas.
North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza At Mga Pulis Na Umatake Sa Mga Magsasaka Sa Kidapawan City, Kakasuhan
Facebook Comments