7,500 coconut seedling ang ipinamahagi ng North Cotabato Provincial Government sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) sa 75 farmers sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.
Ayon kay Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, hindi lamang ito ang natanggap ng naturang mga magsasaka kundi pari na rin abono upang masiguro ang productivity ng mga puno ng niyog.
Samantala, namahagi din ang OPAG ng 14,000 cacao seedlings sa 29 na farmer beneficiaries sa Barangay Sibawan, Mua-an, Meohao, Ginatilan, Ilomavis at Perez sa Kidapawan City.
Ang distribution ay sa ilalim ng high value crops development program na naglalayong suportahan ang local farmers sa lalawigan na nagnanais magtanim ng cacao subalit walang kapasidad na bumili ng mga punla.
North Cotabato gov’t, muling namahagi ng mga punla ng cacao at niyog sa mga magsasaka!
Facebook Comments