North Cotabato hindi apektado ng bird flu virus

Hindi apektado ng kumakalat na bird flu virus ang lalawigan ng Cotabato.Ito ang sinabi ni Office of the Provincial Veterinary head Dr. Rufino Sorufia kasunod ng isinasagawang monitoring sa mga poultry sa lalawigan. Sinabi nitong malayo ang Pampanga para maapektuhan ang lalawigan ng Cotabato.
Sa kabila nito ay mahigpit naman ang ginagawa nilang pagmonitor sa mga poultry products na pumapasok sa kanilang probinsiya.
Dagdag pa ni Dr. Sorufia na ligtas kainin ang mga produktong manok dahil wala naman itong kontaminaaton.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments