North Cotabato, isinailalim na sa state of calamity dahil sa El Niño

Isinailalim na sa state of calamity ang buong probinsya ng North Cotabato bunsod ng El Niño.

Ginawa ng sangguniang panlalawigan ang deklarasyon sa rekomendasyon na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sa pagtaya, nasa P670-Milyon na ang halaga ng pinsala sa pananim sa Kidapawan City at sa 17 munisipalidad ng probinsya.


Apektado rin ng matinding tagtuyot ang mga bayan ng Libungan, Carmen, Aleosan, Alamada, Matalam, Pigcawayan, M’lang, Pikit, Kabacan, Antipas at Tulunan.

Kaugnay nito, naglaan na ng pondo ang probinsya para sa cloud seeding operations.

Facebook Comments