North Korea, hinimok ng China na gumawa ng "smart" decision kasunod ng pagkastigo ng UN Security Council

Manila, Philippines – Hinimok ng China ang North Korea na gumawa ng “smart” decision.

Kasunod ito ng pagkastigo ng UN Security Council sa North Korea dahil sa missile tests ng Pyongyang.

Sa kanyang pagharap sa media kaugnay ng ASEAN Ministerial Meeting sa bansa, sinabi rin ni Chinese Foreign Miniater Wang Yi na hindi pabor ang Tsina sa unilateral international sanctions sa ano mang bansa na may nagagawang paglabag.


Sa kabila nito, naniniwala si Wang na dayalogo pa rin ang kailangan para sa katahimikan sa Korean peninsula.

Facebook Comments