World – Iniuugnay ng cyber security researchers ang North Korea sa naganap na ransomware cyberattack sa iba’t ibang bansa noong Lunes.
Ito’y matapos makahanap ng ilang ebidensya ang isang researchers mula South Korea.
Nabatid namang ilan sa mga pag-atake ng grupong ito ay ang pag-hahack sa sony pictures noong 2014 na nag-leak ng mga proyekto nito at panghahack din sa isang Bangladeshi bank noong 2016.
Pero sinabi ng isang google security researcher, masyado pang maaga para sabihing North Korea nga ang mga pakana ng mga ito.
Ang nasabing hacking incident ay nakaapekto sa halos 300,000 na computers sa buong mundo at itinuturing na isa sa pinakamatinding cyber-attack sa kasaysayan.
* DZXL558*
Facebook Comments