North Korea, muling nagpakawala ng missile

World- Kinumrpima ng Pentagon at Japan na muling nagsagawa ng missile test ang North Korea.

Ayon sa Pentagon, tumama ang missile sa karagatang sakop ng Japan.

Inaalam pa nila kung ano ang range ng pinakahuling missile na pinakawalan ng North Korea.


Nabatid na ito na ang pang-14 na pagpapakawala ng North Korea ng intercontinental ballistic missiles ngayong 2017.

Facebook Comments