North Korea, muling nagsagawa ng ballistic missile test

World – Kinumpirma ng South Korean Military na nagpakawala na naman ng panibagong ballistic missile ang North Korea malapit sa Pukchang County.

Lumipad ang missile ng 500 kilometro (300 miles) at pinaniniwalaang bumagsak sa karagatan ng japan.

Wala namang naitala ang mga otoridad na anumang pinsala sa mga barko at eroplano na dumaan sa naturang karagatan.


Gayunman, agad itong kinondena ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kung saan malinaw aniya na paulit-ulit na paglabag ito sa UN resolution na hindi na katanggap-tanggap.

* DZXL558*

Facebook Comments