North Korea, nagbanta ng missile strike sa Guam

World – Nagbanta ng missile attack ang North Korea sa Guam kung saan naroroon ang mga strategic bombers ng Estados Unidos.

Sa statement ng strategic force ng NoKor – pinag-aaralan nila ang operational plan sa pag-atake sa Guam, gamit ang medium-to-long-range strategic ballistic rocket na Hwasong-12.

Kailangan umanong ma-contain ang U.S. major military bases sa Guam, kabilang ang Anderson Air Force Base, kung saan pinaniniwalaang naroroon ang magagaling na bombers ng Amerika.


Tikom naman ang bibig ng gobyerno ng Guam hinggil sa banta ng Pyongyang.

Habang nanawagan naman si US President Donald Trump na maging matatag at manindigan ang Amerika sa kanilang posisyon laban sa North Korea.

Samantala, umabot na sa labing tatlo, kabilang na ang anim na turista ang namatay sa magnitude 7.0 na lindol sa Sichuan province sa China.

Nasa isandaan pitompu’t lima naman ang sugatan sa insidente.

Facebook Comments