Personal na pinangasiwaan ni North Korean President Kim Jong Un ang isinagawang inter-continental ballistic missile (ICBM) test na siyang tumama sa katubigang sakop ng Japan.
Ang Hwasong-17 na isang higanteng ICBM missile ay pinakawala sa Pyongyang International Airport kung saan naabot nito ang taas na 6,248 kilometers at naabot ang layong 1,090 kilometers sa loob lamang ng mahigit isang oras.
Dahil dito, pinatawan ng Amerika ng parusa ang isang North Korean citizen na nagngangalang Ri Sung Chol at ang Second Academy of Natural Sciences Foreign Affairs Bureau kasunod ng naturang missile test.
Pinatawan din ng parusa ang ilang russian entities na Ardis Group, PFK Profpodshipnik at isang ruso na nagngangalang Igor Aleksandrovich Michurin.
Hindi naman idinetalye sa pahayag kung anong parusa at kung anong alegasyon ang ibinibintang sa mga naturang indibidwal at grupo.