North Korea, nagpakawala ng ‘unidentified projectile’ sa Japan Sea

Kinumpirma ng South Korean Military na nagpakawala ng ‘unidentified projectile’ ang North Korea sa Sea of Japan.

Ayon sa Seoul’s Joint Chief of Staff, naniniwala silang ito ang unang ballistic missile test para sa administrasyon ni US President Joe Biden.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye kung ilan at anong klase ng armas ang pinakawalan ng North Korea.


Inihayag naman ng Japanese Defense Ministry na hindi ito nakapasok ng kanilang teritoryo.

Facebook Comments