North Korea, nanindigang hindi makikipagnegosasyon sa Amerika hinggil sa kanilang atomic weapons program

North Korea – Hindi makipagnegosasyon ang North Korea sa Amerika hinggil sa kanilang atomic weapons program.

Ito ay hangga’t nagpapatuloy pa rin ang joint military exercises sa pagitan ng Estados Unidos at ng South Korea.

Ayon kay North Korea’s Ambassador to the United Nations Han Tae Song, ipinagkikibit-balikat lang nila ang sinasabi ni US President Donald Trump na panibagong sanctions na inihahanda ng kaniyang administrasyon laban sa Pyongyang.


Aniya, walang negosasyon na mangyayari sa pagitan nila ng South Korea hangga’t patuloy ang “hostile policy” ng US laban sa kanilang bansa.

Facebook Comments