North Korea, planong isama ulit ng Estados Unidos sa kanilang terror list

Amerika – Plano ng Estados Unidos na muling isama sa kanilang terror list ang North Korea.

Ayon sa White House, anumang araw ay ia-anunsyo ito ni US President Donald Trump ang desisyon tungkol dito.

Ang hakbang ay kasunod ng pagbisita ni Trump sa ilang bansa sa Asya kung saan siya humingi ng suporta sa pagkondena sa nuclear program ng Pyongyang.


Taong 1987 nang unang ilagay sa terror list ang North Korea dahil sa pambobomba nito sa South Korean Airliner.

Tinanggal ang bansa sa listahan ni President George W. Bush noong 2008 para bigyang-daan ang nuclear negotiation.

Facebook Comments