North Korean Leader Kim Jong-un, emosyonal na nagbigay ng pahayag sa mga sundalo at mamamayan nito sa gitna ng COVID-19 pandemic

910

Emosyonal na humarap at nagbigay ng pahayag si North Korean Leader Kim Jong-un sa ginanap na military parade kung saan ipinakita nito ang mga bagong missiles sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.

Sa nasabing event, pinasalamatan ni Jong-un ang mga sundalo sa tulong na ginagawa at ibinibigay ng mga ito para labanan ang COVID-19.

Bukod dito, kinikilala rin ng North Korean Leader ang sakripisyong ibinibigay ng kaniyang mga opisyal at tauhan sa kabila ng nararanasan nilang hirap dahil sa pandemic kung saan sobrang naapektuhan ang ekonomiya ng kanilang bansa.

Marami naman sa mga kritiko ni Jong-un ang nagdadalawang-isip sa ginawa nitong pahayag lalo na’t una nitong ipinangako at ipinagmalaki na magiging maayos ang kaunlaran ng kanilang bansa sa kabila ng pandemya.

Facebook Comments