Sta. Ana, Cagayan – Naging maayos at matiwasay ang tinaguriang North Tourist Area sa Cagayan na bayan ng Sta. Ana nitong nakalipas na semana santa sa kabila na may bugsong pag-ulan.Ito ang naging pahayag ni Police chief Inspector Harvey Pajarillo ng PNP Sta. Ana sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan.
Aniya mahigpit ang ginawang monitoring ng PNP personnel sa lahat ng mga lugar lalo na ang karaniwang dinadayo ng karamihan tulad ng mga beach/resorts kung saan marami umano ang nakatalaga na motorists assistance center at police assistance center.
kabilang din umano ang lahat ng parkingan ng mga sasakyan, palengke at mga malalaking hotel na tinutuluyan ng mga turista kung saan may nakatalagang Public Safety Force upang masigurado umano ang kaligtasan ng lahat.
Sinabi pa ni PCI Pajarillo na naging matiwasay ang holy weak sa bayan ng Sta. Ana ngunit patuloy pa rin umano ang deployment ng mga tauhan nito dahil sa nakalipas na taon ay may kasong pagkalunod ang bayan ng Sta. Ana kung kaya’t may inilagay na babala maging ang pagbibigay ng mga polyetos kaugnay sa holy week at maging ang summer vacation.
Samantala magiging alerto din umano ang kapulisan kaugnay sa Ligtas Summer Vacation o SumVac 2018 kung saan kaagapay ng PNP Sta. Ana ang ilang tauhan ng BFP, MDRRMO, at DOH sa mga mataong lugar o mga binibisita parin ng mga turista.