NORTHEAST MONSOON MAGPAPAULAN SA ILANG BAHAGI NG LUZON

Para sa lagay ng panahon ngayong araw asahan ang maulap na kalangitan na may mahihinang mga pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Aurora habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulu-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Mountain Province, Ifugao, Kalinga at Apayao dulot ng Hanging Amihan.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Hilagang Luzon at sa Lalawigan ng Aurora. Ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Asahan ang maiinit na panahon na papalo sa 30 degree celsius habang ang pinakamalamig naman ay 20 degree celsius.


Dagdag pa rito sumikat ang araw kaninang 6:13 ng umaga at asahang lulubog mamayang 5:58 ng hapon.

Facebook Comments