MANILA – Itinaas sa “Full Alert” Status ang buong Northern Mindanao.Ito’y kasunod sa nagpapatuloy na labanan sa Butig, Lanao Del Sur sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at grupo ng indonesian terrorist na si Omar Maute.Ayon kay Police Regional Office-Region 10 Spokesperson Supt. Surki Serenas, na ang pagtaas nila ng alerto ay para maiwasan ang posibleng spillover sa nagpapatuloy na labanan sa Lanao Del Sur.Aniya – may mga kaukulang hakbang ng ginagawa ang pro-10 para maiwasan ang posibilidad na kumalat sa kanilang rehiyon ang nasabing labanan.Dagdag pa ni Serenas na may nakahanda ng augmentation force mula sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) na rumisponde sakaling magkaroon ng anumang mga insidente.Aniya mahigpit din ang kanilang koordinasyon sa kanilang counterpart sa ARMM PNP maging sa AFP.Nabatid na umabot na sa 48 ang bilang ng mga nasawi sa mga bandido at tropa ng pamahalaan.
Northern Mindanao – Itinaas Sa Full Alert Status
Facebook Comments