Pinag-aaralan na ring isailalim sa State of Calamity ang Northern Samar.
Nasa 90 porsiyento na kasi ng mga pananim na palay ang nasira sa probinsya bunsod ng El Niño.
Sa datos ng Northern Samar Provincial Risk Reduction and Management Council. Aabot na sa 6,200 ektaryang palayan ang natuyot dahil sa matinding init.
Dahil dito, mapipilitan na ring bumili ng bigas sa ibang probinsya ang Northern Samar para matugunan ang 88,000 metric tons na kinokonsumo ng kanilang mga residente.
Samantala, nasa limang libong magsasaka naman ang apektado ng tagtuyot sa probinsya.
Ilan sa kanila ang piniling magpatuyo na lang muna ng kopra sa halip na magtanim ng palay.
Lugi rin ang mga magsasaka dahil sa halip na maibenta sa halagang P32, bagsak din ang presyo nito sa P15.